Posas

2 suspek sa murder, rape nasakote sa Rizal

June 22, 2024 Jojo C. Magsombol 141 views

KAMPO MAJOR HENERAL LICERIO I. GERONIMO, Taytay, Rizal–Arestado ang dalawang suspek sa murder at panghahalay sa Rizal police, ayon sa report ni Rizal police director P/Col. Felipe Maraggun kay Police Regional Office (PRO)-4A Regional Director P/Brigadier Gen. Paul Kenneth Lucas.

Unang nahuli si alyas Muklo, 26, suspek sa kasong murder, sa operasyon ng Criminal Investigation and Detection Group-Rizal-PFU at Taytay police bandang alas-6:00 ng gabi noong June 21.

Walang inirekomendang piyansa para sa pansamantalang paglaya ng suspek.

Arestado din si alyas Aubrey, 31, sa operasyon ng mga operatiba ng Tanay Municipal Police Station (MPS) bandang alas-2:50 ng hapon sa bisa ng warrant of arrest mula sa Regional Trial Court ng Morong.

Nagpapakita ng dedikasyon ng mga tauhan ng Rizal PNP sa kanilang sinumpaang tungkulin ang pagkaka-aresto sa mga suspek, ayon sa PNP.

AUTHOR PROFILE