
2 suspek sa krimen huli sa Region 1
DALAWANG suspek sa mga krimen sa Ilocos-Pangasinan region ang naaresto ng mga pulis.
Isa sa mga suspek, si alias Rami, 41, ng Brgy. Poblacion West sa Pugo, La Union ang nahuli sa Brgy. 2 sa San Fernando City, La Union noong Martes.
Sinabi ni Major Jeofrey Sanchez, hepe ng La Union Provincial Police Office Intelligence Unit, na may P120,000 na inirekomendang piyansa para sa pansamantalang paglaya ni Rami.
Inaresto sa Pozorrubio, Pangasinan ang isa pang suspek sa bisa ng warrant of arrest para sa statutory rape.
Nahuli si alyas Danny, 42, sa Brgy. Poblacion, District IV ng mga tauhan ng Pozorrubio Municipal Police Station sa pamumuno ni Major Jordan Tomas.
Walang inirekomendang piyansa para sa pansamantalang paglaya ng suspek.
May kasamang ulat ni Aileen Arvie Eustaquio at Carmela Danguecan