Shabu Source: File photo

2 suspek na tulak, P.1M shabu nakuha sa Laguna

March 4, 2025 Gil Aman 126 views

DALAWANG hinihinalang tulak ang nakuhanan umano ng P170,000 shabu nitong Lunes sa Brgy. Del Remedio,San Pablo City, Laguna.

Ang dalawang suspek ay natimbog sa isinagawang drug operation ng pinagsanib na miyembro ng Provincial Drugs Enforcement Unit at San Pablo police.

Ang mga arestado suspek ay kinilalang suspek sina Alyas Roy at Alyas Carlos.

Nakumpiska mula sa dalawang suspek ang isang plastic sachet ng shabu gayundin ang limang plastic sachet ng shabu na umaabot sa 25 gramo at may standard price na P170,000.

Ayon sa pulisya ang dalawang suspek na kabilang sa street level individuals (SLI) ay nalambat sa isinagawang buy-bust dakong alas 8:12 ng gabi.

AUTHOR PROFILE