Kinilala ni P/Lt. Col. Nelson Cortez ang mga suspek na nahuli sa kasong rape at acts of lasciviousness matapos matimbog ng mga operatiba ng MPD Malate police station 9. Kuha ni JonJon Reyes
2 suspect sa rape, acts of lasciviousness arestado
DALAWANG lalaki ang naaresto ng mga operatiba ng Manila Police District (MPD) Malate Police station 9 dahil sa kasong panghahalay at acts of lasciviousness noong Miyerkules.
Kinilala ng pulisya ang mga nahuli na sina alyas Philip at alyas Arthur.
Naaresto ang mga suspek sa Fidel St. corner Pres. Quirino at Singalong Sts. sa Malate, Manila sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Delight Aissa Salvador, Presiding Judge ng Regional Trial Court Branch 29 ng Manila.