2 sugatan sa away sa inuman

August 29, 2022 Melnie Ragasa-limena 241 views

Dalawa ang sugatan matapos mauwi sa gulo ang isang inuman ng dalawang magkaibigan nang makisabat sa kanilang usapan ang dalawang kapitbahay sa Barangay Toro, Quezon City, Linggo ng gabi.

Ang mga suspek ay parehong nakatira sa Bgy. Bahay Toro kabilang ang dalawa nilang biktima.

Sa report ng Quezon City Police District (QCPD) Talipapa Police Station 3, bandang 10:00 ng gabi (Agosto 28) nang maaresto ang mga suspek sa Road 23, Bgy. Bahay Toro, sa lungsod.

Batay sa imbestigasyon nina P/Cpl. Arthur Sevilla at PCpl. Charlie Julaton ng PS (Police Station) 3, nag-iinuman umano ang dalawang suspek sa isang tahanan.

Makalipas ang ilang oras ay sumigaw umano ang isa sa mga biktima ng “Pre dito na ako pre, uuwi na” pero sa hindi malamang dahilan ay sumabat at sumigaw rin ang mga suspek na malapit lamang sa lugar ng mga biktima ng pabalang.

Dahil dito ay nagkaroon ng mainitang pagtatalo ang mga biktima at suspek hanggang sa martilyuhin sa ulo ang unang “sumigaw” na biktima ng isa sa mga suspek habang tinangka naman ng kanyang kainuman na saksakin ng kutsilyo ang isa pang biktima na mabilis na nakadepensa nang mahawakan ang patalim.

Agad namang nagreponde ang mga tanod ng Bgy. Bahay Toro at naaresto ang mga suspek habang isinugod sa Quezon City General Hospital ang mga biktima para ipagamot.

Inihahanda na ang kasong frustrated murder laban sa dalawang nabanggit na suspek.