Default Thumbnail

2 senglot na Korean national na-suffocate tigok

December 8, 2023 Jojo C. Magsombol 165 views

EAT, drink and be merry because tomorrow you may die.”

Nagkatotoo ang quote na ito ni Winston Churchill sa dalawa sa tatlong Korean nationals na nagwalwal sa pagtoma nang matigok at malubha naman ang isa nang ma-suffocate sa sauna room sa Mabini, Batangas noong Huwebes.

Ayon sa Mabini police, tatlong lasing na Koreano naka-check-in sa Sea Spring resort sa Mabini.

Bandang alas-5:10 ng umaga ng Disyembre 7, isang tawag sa telepono ang natanggap ng Mabini Municipal Police Station (MPS) mula sa St. Camillus Hospital sa Mabini, Batangas at ini-report ang naganap na insidente.

Sa imbestigasyon, nagpasyang pumunta sa sauna ng resort dakong alas-3:00 ng umaga pero hindi nagtagal nakita ng mga attendant na nakahandusay ang tatlong Koreano sa lupa at walang ng malay.

Isinugod ng mga attendant sa nabanggit na ospital ang mga langong Koreano at dalawa ang idineklarang patay na at sinabing namatay sa suffocation.

Nakilala ang mga namatay na sina Sun Tae Kim, 67, at Yun Seok Seo, 63.

Nakaligtas at nasa ospital pa si Hak Neung Kim, 59. Nina JOJO CESAR MAGSOMBOL at ZAIDA DELOS REYES

AUTHOR PROFILE