Engkwentro ENGKWENTRO–Dead-on-the-spot ang Isang sekyo habang sugatan ang dalawang pulis sa barilan sa pagitan ng mga operatiba ng MPD Stn.11 at dalawang security guard sa Rizal Avenue, Sta. Cruz, Maynila Biyernes ng gabi. Kuha ni Jon Jon Reyes

2 sekyu sinita, namaril; 1 patay

August 19, 2023 Jonjon Reyes 443 views

Engkwentro1PATAY ang isang security guard at sugatan naman ang kasama nito samantalang 2 pulis ng Manila Police District at isang babae ang sugatan sa Oplan Sita sa Rizal Avenue malapit sa Soler St., Sta Cruz, Maynila Biyernes ng gabi.

Nakilala ang namatay na sekyu na si Wilfredo Marquez at nakilala din ang sugatan niyang kasama na si Bobby Alconera, parehong miyembro ng Arsia Agency.

Samantala, sugatan sa engkwentro sina Police Corporal Reymark Laurena at Police Corporal Raymond Ocampo, ng Tactical Motorcycle Rider’s Unit ng MPD-Meisic Police Station 11.

Inaalam pa ang pagkakakilanlan ng babaeng tinamaan ng ligaw na bala.

Batay sa report na isinumite ni Police Captain Dennis Turla, hepe ng MPD- Homicide Section, kay MPD director Police Brigadier General Andre Perez Dizon, bandang 9:50 ng gabi nang maganap ang insidente.

Nasugatan ang dalawang pulis nang sitahin ang dalawang sekyu habang nagsasagawa ng Oplan Sita ang mga tauhan ni Police Lieutenant Colonel Rexson Layug, station commander ng PS 11, at PMaj. Jun Saballo.

Nabigla ang mga awtoridad nang biglang bumunot ng baril ang dalawang sekyu saka pinagbabaril ang 2 miyembro ng TMRU.

Doon na nagkaroon ng palitan ng putok na nagresulta sa pagkamatay ng sekyu at pagkasugat ng dalawang pulis.

AUTHOR PROFILE