
2 robbery suspek huli sa Meycauayan
NATUNTON ng mga operatiba ng Manila Police District-Pandacan Police Station 10 ang dalawang suspek sa pagnanakaw sa male dormitory ng Maycauayan City Jail sa Barangay Camalig, Meycauayan.
Base sa ulat na isinumite kay Police Lieutenant Colonel Maria Agbon, Station Commander, bandang 5:35 ng hapon nang pumunta ang mga pulis sa jail facility sa pamumuno nina Police Captain Vianny Ortiz at Police Captain Ramel Lucero para isilbi ang arrest warrant kina Ronald, 44, at Jayson 34, parehong nakatira sa Upper Bicutan, Taguig City.
Ayon kay MPD Chief Brig. Gen. Andre Dizon, hindi titigil ang Manila police sa pagtugis sa mga kriminal kahit saan man sila mag-lungga.