Default Thumbnail

2 rider dedo sa salpukan

December 8, 2023 Jojo C. Magsombol 151 views

PATAY ang dalawang rider noong Huwebes nang magsalpukan ang kanilang motorsiklo sa Ramon Diokno Highway sa Brgy. Payapa Ibaba, Lemery, Batangas.

Namatay sina Ronnel Catenio Abag, 36, ng Brgy. Dita at Kevin De Castro Sanchez, 29, ng Brgy. Masalisi, Lemery, Batangas, ayon sa Lemery police.

Lumalabas sa imbestigasyon na ugat ng salpukan ang walang ilaw na Honda XRM motor (WF 5721) ni Sanchez habang tumatakbo sa nasabing highway dakong 10:25 ng gabi.

Nakasalpukan ni Sanchez ang Honda RS (DA 67713) ni Abag.

Dahil sa matinding impact, nagtamo ng mga sugat sa ulo at iba’t-ibang bahagi ng katawan ang dalawang driver at isinugod sa Batangas Provincial Hospital.

Sa kasamaang-palad, ideneklarang dead-on-arrival ng attending physician na si Dr. Ramonsixto Castillo.

AUTHOR PROFILE