Default Thumbnail

2 patay sa Pampanga accident

February 22, 2024 Bernard Galang 208 views

DALAWA ang patay sa banggaan sa MacArthur Highway sa Brgy. Telabastagan, San Fernando City, Pampanga.

Kinilala ng Pampanga police ang mga nasawi na si Raywell Macalino, motorcycle rider, 40, at backrider niyang si Ronnie Lacson, 62, ng Brgy. San Jose, Magalang, Pampanga.

Sa pagsisiyasat, binabagtas ng Honda City (AEN 896) na minamaneho ni Ray Marck Rivera, 29, ng Purok 4 Brgy. Lara, San Fernando, Pampanga ang highway ng lumabas mula sa gasolinahan ang motor na minamaneho ng mga biktima.

Biglang pumihit ang motor para maiwasan na mabangga ngunit sumalpok ito sa Honda at sa ambulansya na minamaneho ni Agapito Chaneco, 45.

Dahil sa impact, nagtamo ng mga sugat ang rider ng motorsiklo at ang backrider. Idineklara silang dead-on-arrival sa Jose Lingad Hospital.

AUTHOR PROFILE