Default Thumbnail

2 pang Pinoy patay sa Maui wildfire

August 29, 2023 Zaida I. Delos Reyes 287 views

DALAWA pang Pinoy ang nadagdag sa listahan ng mga nasawi sa wildfire sa Maui, Hawaii.

Nakilala ang mga nadagdag sa listahan na sina Rogelio Mabalot, 68, ng Laoag City, at Pablo Pagdilao III, 75 , mula sa Pinili, Ilocos Norte.

Kinumpirma ng kanyang anak na si Richelle sa isang facebook post ang pagkamatay ni Mabalot. Huli siyang nakitang buhay noong August 8 malapit sa Banyan Tree sa Lahaina.

Kabilang sa iba pang Pinoy na nasawi sa trahedya sina Salvador Coloma, 77; Carlo Tobias, 54; Rodolfo Rocutan, 76; Conchita Sagudang, Danilo Sagudang, 55, at Alfredo Galinao,79.

Sa ngayon, marami pang residente ng Lahaina ang nawawala dahil sa wildfires na tumupok din sa 1000 gusali sa lugar.

Nagsimula ang wildfires nitong Agosto 8.