2 opisyales ng bgy, 1 timbog sa Sampaloc drug busts

January 24, 2023 Jonjon Reyes 59 views

AABOT sa P54,000 halaga ng shabu ang narekober sa dalawang barangay kagawad at isang kabilang sa drug watchlist ng Manila Police District (MPD) Sampaloc Police Station (PS) 4, matapos masakote sa buy-bust operations, Lunes ng umaga sa Sampaloc, Maynila.

Ang mga suspek na naaresto na parehong opisyal umano ng barangay at kagawad sa isang barangay sa Sampaloc, Maynila at nahuli din ang isang kasabwat ng mga ito.

Base sa ulat ni P/Lt. Wilson Villaruel, commander ng MPD Sampaloc PS 4, pasado alas 10:35 ng umaga (Enero 23), nang isagawa ng mga operatiba sa pamumuno ni P/Maj. Val Valencia, hepe ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa tapat ng Sta. Cruz Street sa panulukan ng Batanes St., Sampaloc sakop ng Barangay 537.

Nagpositibo ang operasyon ng tanggapin ng suspek ang P500 na markadong salapi kapalit ng ilegal na droga at saka dinamba ang tatlo.

Narekober ang apat na plastic sachets na tumitimbang mg 8 gramong shabu na may halagang P54,000.

Dahil dito, dinala ang droga sa MPD Forensic Unit upang ipasuri at maaaring makasuhan sa kasong paglabag sa Section 5 at 11, Article ll ng Republic Act 9165 laban sa mga suspek.

Agad naman nagpaabot ng pagbati at papuri si MPD Director P/Brigadier Gen. Andre P. Dizon sa mga kapulisan ng Sampaloc sa pamumuno ni Villaruel at sa mga operatiba ng nasabing istasyon at dahil aniya walang palalampasin maski pampublikong opisyal kung ito ay sangkot sa ilegal na droga.

AUTHOR PROFILE