Default Thumbnail

2 NPA todas sa serye ng engkuwentro sa Negros

June 14, 2023 Zaida I. Delos Reyes 182 views

DALAWANG miyembro ng New People’s Army (NPA) ang nasawi sa serye ng engkuwentro sa pagitan ng tropa ng gobyerno sa Barangay Macagahay, Moises Padilla town, Negros Occidental.

Gayunman, patuloy pang inaalam ang pagkakakilanlan ng mga nasawing rebelde.

Batay sa ulat ng Armed Forces of the Philippines (AFP), unang naka-engkuwentro ng mga tauhan ng 62nd Infantry Battalion (IB) ang mga rebelde sa Macagahay kung saan tumagal ng 20-minuto ang palitan ng putok hanggang sa tumakas ang mga rebelde.

Habang papatakas ay naharang ang mga rebelde ng mga tauhan ng 62nd IB sa Sitio Cupad at nagkaroon ng 15-minutong bakbakan.

Muli ay tinangka ng mga rebeldeng tumakas subalit naharang ang mga ito sa Sitio Mantauyan at nagkaroon ulit ng bakbakan.

Sa isinagawang clearing operation ng mga sundalo ay narekober ang bangkay ng dalawang rebelde.

Nadiskubre din ang imbakan ng armas ng mga ito at nakumpiska ang isang M16-rifle, 12-gauge shotgun, isang .38 caliber revolver, apat na short magazine assembles para sa M-16 rifles, isang rifle grenade, dalawang bandoliers, binoculars at personal na gamit.