2 naglinis ng imburnal, di nakahinga, patay

May 17, 2021 Cesar Reyes 159 views

DALAWANG Citizen Volunteer Organization (CVO) ang namatay matapos di makahinga nang naglinis ng imburnal Linggo ng hapon sa Sitio Bariquer, Bgy. Dangley, Agno, Pangasinan.

Kinilala ang mga biktimang sina Hector Caducio y Ramirez, 52, biyudo, at John Edward Apostol, 34, walang asawa hepe ng CVO, parehong residente ng nasabing lugar.

Ayon sa imbestigasyon, nililinis ni Apostol ang malalim na imburnal sa tabi ng bahay ng kanyang pinsan sa nasabing lugar nang siya umanoy na-suffocate sa loob.

Sinubukang sagipin ni Caducio si Apostol pero pati siya ay ay hindi na nakaahon.

Rumesponde ang mga Agno rescuer, mga tauhan ng Bureau of Fire and Protction (BFP) at Agno Police Station upang maiahon ang mga biktima na dineklarang dead on arrival sa Rural Health Unit (RHU).

AUTHOR PROFILE