MPD Pinuri at pinasalamatan ni MPD Director PBGen. Leo “Paco” Francisco (kanan) si P/Capt. Fredwin Sernio, hepe ng Intelligence Section dahil sa agarang pagkadakip sa mga kriminal sa Lungsod ng Maynila. Kuha ni Jon-Jon Reyes

2 MWPs nalambat ng MPD Station 11

June 15, 2022 Jonjon Reyes 417 views

MULING “nagpamalas” ng mabilis na aksyon ang mga tauhan ng Manila Police District (MPD) Station 11 Binondo matapos maaresto ang tinaguriang no. 1 at no. 14 na mga most wanted person (MWP) sa magkahiwalay na operasyon sa Antipolo City at sa Quiapo, Maynila, hapon nitong Hunyo 13, 2022.

Unang nadakip ang no. 14 na MWP na nakatira sa Chica St., Quiapo bandang 2:00ng hapon sa nasabing kalye sa Quiapo sa paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Nahuli ang suspek sa bisa ng arrest warrant na inusyu ni Presiding Judge Caroline Tobias ng Regional Trial Court (RTC) Branch 7 na may petsang Disyembre 1, 2021 na may hatol na tatlong taon na pagkakulong at multang P10,000.

Samantala, sa pangunguna rin ni P/Lt. Col. Magno Galllora Jr., commander MPD Station 11 kasama sina P/Capt. Fredwin Sernio, hepe ng Intelligence Section at Warrant Section Chief P/Capt. Joselito Delos Reyes katuwang ang Regional Mobile Force Batallon ng NCRPO, sa ilalim ni P/Maj. Ronilo Aquino ay sunod naman na nagtungo sa Antipolo City Jail.

Inihain ang warrant of arrest sa no. 1 na MWP na nakapiit na sa nabanggit na kulungan dahil sa isang asuntong “rape” na inisyu ni Presiding Judge Maria Christina D.R Rosario-Oseteo ng RTC Br. 18 ng Cainta na may petsang Hunyo 8, 2022.

Walang inirekomendang piyansa sa suspek nang matagpuan sa Antipolo City Jail sa Pulong Banal, Bgy. San Jose, Antipolo City, bandang 4:30 ng hapon.

AUTHOR PROFILE