2 MWP timbog ng PS14, PS10

August 24, 2021 Francis Naguit 343 views

INARESTO ng mga tauhan ni PLt. Col. Ramon A. Nazario, hepe ng Barbosa police station PS-14 ang isang most wanted person na kinilalang si Aaron Josh Barreda dahil possession of dangerous drugs at drug paraphernalia.

Si Barreda ay nahuli sa Purok 1, Bgy. 45 Nalbo, Laoag City, Ilocos Norte bandang 4:30 p.m. nitong Agosto 22,2021.

Pinganunahan ni PMS Vicente Maborang, hepe ng warrant section, ang operation laban sa suspek.

Ang suspek ay nahuli sa ilalim ng Oplan Pagtugis. Isang warrant of arrest ang ipinalabas laban sa kanya ni Judge Nadine Jessica Corazon J. Fama, ng RTC Branch 79 , Quezon City.

Samantala, pinangunahan ni PLt. Col. Dennis V. Rodriguez, hepe ng Pandacan Police Station 10 kasama ang kaniyang mga tauhan na sina PLT. Arnel Acayen Buraga, warrant section ng PS-10, at PLT. Adonis Aguila, hepe ng Homicide Section ng MPD, ang pag-aresto sa isang pang most wanted person na si Alain Layno, 51,, may asawa, dating bgy kagawad at nakatira sa no.1449B Labores Ext. Brgy. 857 Pandacan Manila

Si Layno inaresto noong Aug, 20,2021 dahik sa kasong attempted homicide. Isang warrant of arrest ang ipinalabas laban sa kanya ni Judge Rachelle B. Asuncion-Palen, ng MTC First Judicial Region, Alaminos City, Pangasinan.

Ang suspek na si Layno ay inirekomenda na maglagak ng P36,000 para sa kanyang piyansa. Nina FRANCIS NAGUIT & JON-JON REYES

AUTHOR PROFILE