Posas

2 murder suspek tiklo

September 11, 2023 Edd Reyes 1044 views

NADAKIP ng pulisya ang dalawang suspek sa pagpaslang sa 24-anyos na babae Lunes ng madaling araw sa Pasay City.

Ayon kay Pasay police chief P/Col. Froilan Uy, edad 42 at 32 ang dalawang suspek.

Nakuha sa dalawang suspek ang 0.76 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P5,168.00 at drug paraphernalia.

Kinilala naman ang biktima na si Mae Andrea Abueme, ng Legaspi St. Brgy. 147, Pasay.

Sa ulat na tinanggap ni Southern Police District (SPD) Director P/BGen. Roderick Mariano, dakong alas 2:30 ng madaling araw nang pagbabarilin ng dalawang suspek ang biktima sa Brgy. 190. Agad na namatay ang babae.

Sa ginawang follow-up operation na pinangunahan ni P/Capt. Dennis Desalisa ng Investigation and Detective Management Section (IDMS), nakausap nila ang ina ng biktima dakong alas-8:30 a.m.

AUTHOR PROFILE