Default Thumbnail

2 menor de edad tiklo sa ‘panghahalay’ sa Grade 10

November 7, 2022 Melnie Ragasa-limena 352 views

ARESTADO ang dalawang menor de edad na dati umanong magkasintahan nang kasuhan ng kasong rape ng Grade 10 student sa Quezon City, Sabado ng gabi.

Ang suspek na binatilyo ay 15-anyos habang nasa edad 16 naman ang dalagitang ex-girlfriend niya, parehong Grade 10 student at kapwa residente ng Barangay Batasan Hills, Quezon City.

Sa report ng Batasan Police Station (PS 6) ng Quezon City Police District (QCPD), naganap ang insidente sa pagitan ng alas 7:00 hanggang :00 ng gabi (Nob. 5), sa bahay ng binatilyo sa nasabing lugar.

Batay sa inisyal na imbestigasyon ni PSMS Mary Jane R. Balbuena, ng District Women and Children Concern Section (DWCCS) ng PS 6, ipinakilala umano ng dalagitang suspek sa kaklase niyang 16-anyos na biktima ang binatilyo na dati umano niyang ex-boyfriend.

Matapos ipakilala ay nag-inuman ang mga suspek at biktima kasama ang isa pang kaklase at nang malasing ang dalagitang suspek ay nagpasya na itong umuwi habang iniwanan niya ang lasing na ring biktima sa dating ex-boyfriend.

Dahil sa kalasingan ay nagpasyang patulugin ng binatilyo ang biktima sa kaniyang silid na nasa ikalawang palapag, kung saan ito hinalay ang dalagita.

Nang makarating sa bahay ay agad na nagsumbong ang dalagita sa kaniyang kapatid at lola dahilan upang ipaaresto ang binatilyo at ang ex-girlfried niya na nagpakilala o “nagbugaw” umano sa biktima.

Ang mga suspek ay nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Aact 8353 (Anti-Rape Law of 1997) sa QC prosecutor’s office.