Default Thumbnail

2 ‘may konekyon’ sa Register of Deeds kinasuhan ng estafa

November 27, 2022 Zaida I. Delos Reyes 262 views

SINAMPAHAN ng 10 counts of estafa/ swindling ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang dalawang lalaki matapos na magpangap na may koneksyon sa Registry of Deeds at mangikil umano ng P730,000 mula sa kanilang biktima sa Imus, Cavite.

Ayon kay CIDG Chied PBGen. Ronald O.Lee ang kaso ay isinampa ng biktimang hindi na pinangalanan sa tulong ng mga tauhan ng CIDG Cavite Field Unit kay Assistant Provincial Prosecutor Carmi Genove- De Guzman.

Ayon kay Lee, nagpanggap ang mga suspect na may koneksyon sa Registry of Deeds sa Trece Martires, Cavite at hinimok ang biktima na ipalakad sa kanila ang pagta-transfer ng kanyang certificate of title kapalit ang malaking halaga ng salapi.

“Ang biktima ay nakapagbigay bayad na ng halagang P732,750 sa mga suspect para maisaayos yung kanyang titulo, ngunit sa kasamaang palad ay walang naganap na pag-aayos o paglipat ng nasabing titulo para sa biktima,” paliwanag ni Lee.

Agad na humingi ng tulong ang biktima sa CIDG na mabilis namang kumilos at napag-alaman na ang mga suspect ay walang kaugnayan sa Registry of Deeds at hindi otorisadong maglakad ng anomang papeles sa kanilang tanggapan.

“It is better to transact our business to the right office or agency than to fall for false promises which may bring problems later on. Patuloy ang aming pagbibigay ng paalala sa ating mga kababayan na maging maingat sa ganitong mga modus at sa mga naging biktima ng illegal na gawaing tulad nito ay maari dumulog sa ating mga CIDG office na malapit sa inyo,” pahayag pa ni Lee.