Default Thumbnail

2 LTO execs pinakakasuhan

February 17, 2022 Marlon Purification 659 views

Sa bidding sa plaka

HINILING ng dalawang kompanya na kapwa supplier ng mga plaka sa bansa kay Pangulong Rodrigo Duterte na ipatupad ang rekomendasyon ng Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) laban sa dalawang opisyal ng Land Transportation Office (LTO) ukol sa bidding sa plaka.

Sa limang pahinang report ng PACC kay Pangulong Duterte, inirekomenda nito na idismiss si LTO chief Asec. Edgar Galvante at Executive Director Romeo Vera Cruz, pinuno ng Bids and Award Committe ng LTO.

“That an order be issued by the President dismissing from office Gen. (Ret.) Edgar C. Galvante and Atty. Romeo G. Vera Cruz for the perpetration of a grave administrative offense under Section 50 Par. (8), Rule 10 of the 2017 Rules on Administrative Cases in the Civil Service, and endorse the filing of criminal cases against them before the Office of the Ombudsman for violation of the “Anti- Graft and Corrupt Practices Act”, ayon sa limang pahinang report pirmado ni PACC ChairGreco Belgica nitong Mayo 2021.

Idinagdag pa ni Belgica na malinaw sa kanilang imbestigasyon na nagkaroon ng anomalya sa bidding.

Hiniling naman ng dalawang kumpanyang Erich Utsch AG at J. Knieriem BV, kapwa international supplier ng plaka ng motorsiklo sa bansa, na agad ipatupad ni Pangulong Duterte ang rekomendasyon ng tanggapan ni Belgica para maging smooth at walang problema ang bidding sa LTO na sisimulan ngayong Pebrero 23.

Kamakalawa ay nanawagan sa Senado ang dalawang kumpanya na ipatigil ang bidding.

Pinuna nila na ang mga opisyal na sangkot sa bidding ay siya ring pinakakasuhan ng Senado.

“In line with this, may we request for your assistance to urgently hold and/or cancel this bidding first and allow the processing of cases be filed against the present BAC Chairman and HOPE of LTO as the Senate Blue Ribbon recommended,” ayon sa isang pahinang liham.

“They are still the same people behind the LTO administration now, so where is the logic of having them handlijg this same bidding?,” dagdag pa nila.

Kinuwestiyon din nila na kadalasang ginagawa ang bidding sa naturang ahensya tuwing Setyembre ng taon.