PAGASA

2 LPAs tinututukan ng PAGASA

August 5, 2024 Melnie Ragasa-limena 119 views

DALAWANG low pressure areas (LPAs) ang binabantayan ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) na hindi pa tiyak kung magiging ganap na bagyo.

Ayon sa PAGASA, nasa labas pa ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang isang LPA habang nasa extreme northern Luzon ang ikalawa.

Sinabi ni Pagasa forecaster Obet Badrina na wala pang direktang epekto sa bansa ang dalawang LPA. Base sa kanilang monitoring, parehong maliit ang tiyansa na maging bagyo ang dalawang LPA.

Dala ng hanging habagat ang pag-uulan na nararanasan sa malaking bahagi ng bansa. Apektado nito ang Zambales, Bataan, Occidental Mindoro, Palawan, Western Visayas, Negros Island Region, Central Visayas, Cavite, Batangas at Visayas.

Nagbabala ang PAGASA na maaaring magdulot ng pagbaha at landslides ang nararanasang pag uulan.