Posas

2 lalaki tiklo sa samurai, ’29’ sa Oplan Sita sa Nueva Ecija

September 16, 2023 Steve A. Gosuico 305 views

ZARAGOSA, Nueva Ecija–Arestado ang dalawang lalaki sa bayang ito dahil sa pagdadala ng samurai at balisong na kilala bilang ’29’ sa Oplan Sita kaugnay ng Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) noong Biyernes.

Ayon kay Zaragosa police chief Major Ronnie G. Caagbay, kapwa taga-Bgy. San Francisco, San Antonio, Nueva Ecija ang dalawang naaresto sa Bgy. San Isidro dakong 11:45 ng umaga.

Biniberipika pa ng kanyang mga tauhan ang mga dokumento ng tricycle kung saan nakasakay ang dalawa nang mahuli sa Oplan Sita.

Inihahanda na ang kasong illegal possession of deadly weapon at paglabag sa Omnibus Election Code para sa inquest-filing laban sa dalawang suspek.

Samantala, nasakote ng Rizal, Nueva Ecija police sa ilalim ni Major Ahmed Czar A. Anuary ang isang 39-anyos na tricycle driver na may dalang cal. 22 revolver sa Oplan Sita sa Bgy. Portal dakong 8:40 ng gabi.

Nakakulong na ngayon dito ang suspect na nahaharap sa kasong paglabag sa Omnibus Election Code at Republic Act 10591.

AUTHOR PROFILE