Suspek END OF THE LINE–Ang mga suspek sa murder na ang isa’y 16 na taon nagtago bago nahuli ng mga pulis. Kuha ni JonJon Reyes

2 laglag sa murder; 1 nag hide-and-seek ng 16 yrs

June 19, 2024 Jonjon Reyes 164 views

SuspekARESTADO ang dalawang lalaki, na 16 na taon nagtago ang isa, dahil sa kasong murder sa mga operatiba ng District Police Intelligence Operation Unit (DPIOU) ng Manila Police District noong Martes.

Unang nahuli si alyas Laki, 41, ng Imus, Cavite.

Ayon sa ulat ni PMaj. Kevin Rey Bautista, hepe ng MPD-DPIOU, bandang alas-5:35 ng hapon ng mamataan ang suspek sa harap ng Libis Movers Bldg. sa San Agustin St., Brgy. Bel Air, Makati.

Inaresto ang suspek sa bisa ng warrant of arrest para sa kasong murder na inisyu ni Judge Ma. Theresa Dolores C. Gomez-Estoesta, presiding judge ng RTC Branch 7-Manila.

Sumunod na nalambat ang 52-anyos na si alyas Bakulaw.

Natunton ang suspek sa Capulong St., Brgy. 93, Tondo, Manila at natuldukan ang 16-taong pagtatago nito sa batas.

AUTHOR PROFILE