Default Thumbnail

2 kumpanya pa lang pinapayagang mag-operate ng sabong online

May 9, 2021 People's Tonight 600 views

NILINAW ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) na dalawang kumpanya pa lang ang pinapayagan nila na magpalabas ng sabong online sa kabila ng paglipana ng mga iligal na e-sabong ngayon sa internet.

Sa isang radio interview, sinabi ni PAGCOR chairman Andrea Domingo, na tanging ang Lucky 8 Starquest ni Atong Ang at Belvedere Corp. ni Bong Pineda pa lang ang may lisensya para magpalabas ng sabong online.

“Limabg kumpanya ang nag-apply ng license pero yung Lucky 8 at Belvedere pa lang ang nagbayad ng performance bond na 75 million pesos each,” ayon kay Domingo.

Napag-alaman na ang mga kumpanyang, “Encuentro”, “Magnus”, at “Oriental Capital Venture” ay hindi pa nagbabayad ng mga kaululang fees at taxes kaya hindi pa pinapayagang magpalabas ng sabong sa kanilang website, ayon kay Domingo.

“Nakikipag-ugnayan na kami sa PNP na hulihin ang mga online sabong sites na wala pang mga lisensya,” ani Domingo.

Ilan sa mga illegal online sabong websites umano ay ang kingsportslive.com at ang sabonginternational.com.

Kapwa websites ay pag-aari umano ng mga mambabatas sa mababang kapulungan.

“Ang e-sabong ang major source ng funds namin sa ngayon dahil nagsara nga ang mga casinos due to covid,” paliwanag ng PAGCOR chairman.

Napupunta sa social funds ng pangulo na ibinibigay naman daw ni Pangulong Duterte sa mga ospital at ayuda ngayong pandemya.

Samantala, binabawi na ng Lucky 8 Starquest ng Pitmaster live ang authorization para sa kumpanyang Diversified Financial Network Inc. (DFNN), na pag-aari ni Raymond Garcia, na kumuha o tumanggap ng mga taya mula sa sabong online.

“Lucky 8 Starquest Inc. decided not to pursue the said venture anymore in order to honor its undertakings with the local government units,” ayon sa official statement ng nasabing kumpanya.

“And in order to avoid possible conflict of interest, Lucky 8 Starquest Inc., shall continue to fully operate on its own e-sabong online platform pursuant to its license with PAGCOR”, pahabol na pahayag ng Lucky 8.

AUTHOR PROFILE