Motor Source: FB file photo

2 kelot nagnenok ng motor panghanda sa birthday

June 19, 2024 Melnie Ragasa-limena 192 views

ARESTADO ang dalawang lalaki dahil umano na pagnanakaw ng motorsiklo para may maihanda sa birthday ng isa sa kanila.

Ayon sa Quezon City Police District (QCPD), nadakip ang dalawang suspek matapos mahagip ng CCTV ang isa sa kanila habang sakay ng ninakaw na motorsiklo.

Sinabi ni Police Lieutenant Colonel Roldante Sarmiento, station commander ng QCPD Batasan Police Station 6, nagsagawa sila ng follow-up operation matapos magreklamo ang may-ari ng ninakaw na motorsiklo.

Ayon kay Sarmiento, pinapalitan ng mga suspek ang mga piyesa at accessories ng mga ninanakaw na motorsiklo at ibinebenta ng mura.

Ang palusot ng isa sa mga suspek, nagnakaw lang siya para may maipanghanda sa birthday niya.

Inihahanda na ang kasong paglabag sa New Anti-Carnapping Act laban sa mga suspek.