2 kelot huli sa pagnanakaw ng kable ng kuryente
DALAWANG lalaki ang naaktuhang nagnanakaw ng kable ng kuryente na pag-aari ng lokal na pamahalan makaraang putulin ang kawad ng kuryente sa center island sa pagitan ng Pedro Gil at Malvar Streets, Taft Avenue, Malate, Maynila, Huwebes ng gabi.
Ang mga suspek ay isang construction worker, 34, ng Quezon City at isang binata, 29, ng Paco, Maynila.
Ayon kay Police Major Edward Samonte, hepe ng District Investigation Division- 2, Special Mayor’s Reaction Team (DID-2 SMaRT) ng Manila Police District (MPD), bandang 9:40 ng gabi, nang maaktuhan ng dalawang electrician, kapwa nakatalaga sa Manila City Engineering Office ang mga suspek habang pinuputol ang kawad ng kuryente sa nasabing lugar.
Dito nila nakita ang kulay pulang standard size na kawad na nasa 11 metro ang haba na nagkakahalagang P770,00.
Bukod pa sa kawad ng kuryente na nasa walong metro ang haba at nakarolyo na, na tinatayang nasa P560 ang halaga ang nakuha sa mga suspek pati na irn ang mga ginamit na pliers sa pagnakaw umano ng kable.
Dahil dito, pawang nahaharap sa kasong paglabag sa Article 308 o sa salang “theft” sa ilalim ng Revised Penal Code ang dalawang suspek.