2 kawatan timbog sa pagnanakaw sa PSC

April 21, 2022 Jonjon Reyes 85 views

DALAWANG kawatan ng copper wire para “tansuhin” ang natimbog ng mga awtoridad, makaraang maaktuhang nilalagare sa harap ng Gate 8 sa Philippine Sport Commission (PSC) sa Adriatico St., Malate, Maynila, Huwebes ng madaling araw.

Dahil dito kapwa nahaharap sa kasong “theft” sina John John Arcilla, 29, kaanib ng Bahala Na Gang (BNG) at isang Richard Bencio, 28, binata, jobless, kapwa residente ng Leveriza St. sa Malate.

Batay sa ulat ni P/Lt. Col. Rodel Borbe, commander ng Manila Police District (MPD)-Malate Police Station 9, bandang 5:00 ng madaling araw, nang kapwa bitbitin ng dalawang tauhan ng Philippine Air Force na naka-assign sa Ninoy Aquino Staduim, ang dalawang suspek.

Sa imbestigasyon ng pulisya, naaktuhan ng mga operatiba ang pagnanakaw ng dalawang suspek gamit ang lagaring bakal, sa harap ng Gate 8 sa naturang lugar.

Dahil dito, sabay na nasakote ang dalawa at dinala sa loob ng opisina ng security para i-blotter.

Bago i-tinurnover ang dalawa sa nasabing himpilan ng pulisya, isailalim ang mga ito sa medical check up sa Ospital ng Maynila kasama ang ebidensiya ng isang rolyo ng copper wire (alambreng tanso) nasa 30 rolyo at may halagang P16,830.

AUTHOR PROFILE