2 kawatan ng motorsiklo sa Navotas, tiklo sa Maynila

April 27, 2022 Edd Reyes 99 views

DALAWANG kabataang lalaki na tumangay ng motorsiklo sa Navotas City ang nadakip ng pulisya habang huli sa akto ang pagbebenta ng kanilang tinangay na Yamaha NMax sa isang tindahan sa Port Area, Martes ng gabi sa Lungsod ng Maynila.

Natimbog ng Northern Police District-District Anti-Carnapping Unit (NPD-DACU) sina Christian Lecaros, 20 ng Tondo, Maynila at Jamire Saavedra, 18, ng NBBS, Dagat-dagatan, Navotas City habang inaalok ang tinangay na motorsiklo dakong alas-11 ng gabi sa isang tindahan sa 13th Street, Roberto Oca St. Bgy. 650 Port Area, Manila.

AUTHOR PROFILE