Default Thumbnail

2 kalaboso sa ‘Lucky 9’; 1 nahulihan ng baril

April 1, 2023 Jonjon Reyes 264 views

DALAWANG kalalakihan ang natimbog ng mga operatiba ng Manila Police District (MPD), makaraang maaktuhang nagsusugal ng “Lucky 9” habang ang isa naman ay may dalang baril na nakasukbit sa baywang nito, madaling araw ng Sabado sa Binondo, Maynila.

Ayon kay P/Lieutenant Col. Rex Layug, commander ng MPD Binondo Meisic Police Station (PS) 11, dalawang suspek ang nakalawit habang nakatakas naman ang isa pa.

Sa ulat ni PSSgt. Rommel Tobias at P/Cpl. Frannie Plattao ng San Nicolas PCP na sako ng PS-11, mga alas-2 ng madaling araw nang mamataan ang tatlong lalaki na nagsusugal umano ng “Lucky 9” sa Binondo.

Matapos na maaresto at kapkapan, nakuha ang isang “pen gun” mula sa isa sa mga suspek.

Sasampahan ng paglabag sa Presidential Decree 1602 (Anti-Gambling Law) ang mga nahuli samantala kakaharapin din ng isa sa mga suspek ang paglabag naman sa Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.

AUTHOR PROFILE