Default Thumbnail

2 jumper boys dedo sa riding in tandem

July 7, 2023 Jonjon Reyes 316 views

DALAWANG lalaki na hinihinalang “jumper boys” ang pinagbabaril at napatay ng mga hindi nakilalang riding in tandem sa Mel Lopez Boulevard o kilala rin sa tawag na Road 10 sa Tondo, Maynila Biyernes ng madaling araw.

Bagama’t naisugod pa sa ospital ang dalawang biktima na nakilalang sina “Leo,” 31, at Aljhon, 21, kapwa residente ng Tondo, Maynila, ideneklrang dead-on-arrival na ng attending doctor na si Ezekiel Evangelista sa Gat. Andres Bonifacio Memorial Medical Center.

Base sa ulat nina Det. Christian Joseph Pineda at Det. Arvy Macarasig na isinumite kay Police Lieutenant James Poso, officer-in- Charge ng Homicide Section ng MPD, bandang 2:45 ng madaling araw nang sumulpot ang mag kaangkas na nakasakay sa Yamaha NMax at malapitang pinagbabaril sa ulo ang dalawang biktima.

Unang isinugod si “Leo” sa Tondo General Hospital pero inilipat ito sa Gat. Andres Bonifacio Memorial Medical Center kung saan idineklarang DoA na ang dalawang suspek.

Ayon sa mga saksi, kilala ang dalawang biktima bilang jumper boys na umaakyat sa mga truck na dumadaan sa Mel Lopez Boulevard para magnakaw ng anumang kalakal.

Naniniwala ang pulisya na nabawasan ang sakit ng ulo ng mga commuters lalo na ang mga biyahero na nagdadaan sa naturang highway.

Pansamantalang nakalagak sa Sol Funeral morgue para sa kaukulang awtopsiya ang bangkay ng dalawa.

AUTHOR PROFILE