Default Thumbnail

2 HVIs tiklo sa P1M shabu sa Biñan

January 13, 2023 Gil Aman 336 views

KAMPO HENERAL PACIANO RIZAL, Sta. Cruz, Laguna – Dalawa ang kapwa arestado na pawang kabilang sa “high-value individuals” (HVIs) sa drug buy-bust operation ng pulisya ng Biñan City, Laguna araw ng Huwebes.

Ayon kay Police Colonel Randy Glenn G Silvio, ang acting provincial director ng Laguna PPO (Police Provincial Office), ang mga suspek ay pawang mga residente ng Biñan City, sa probinsya.

Sa ulat ni P/Lt. Col. Virgilio Jopia, hepe ng Biñan City Police Station, nagkasa ng isang drug buy-bust operation ang Drug Enforcement Unite (DEU) dakong alas-10:00 ng gabi sa Barangay Malaban, na nagresulta ng pagkaaresto sa mga suspek matapos magpositibo sa ilegal na droga dahil sa matagumpay na pagbili ng isang poseur buyer kapalit ang markadong salapi.

Nakumpiska sa mga suspek ang 16 plastic sachets ng shabu na may timbang na 165 gramo at may halagang aabot sa P1,072,500, marked money, dalawang piraso ng coin purse, at P1,150 hinihinalang drug money.

Samantala kasalukuyang nasa kustodiya ng Biñan CPS ang mga arestadong suspek habang ang mga kumpiskadong ebidensya ay isusumiti sa Crime Laboratory para sa forensic examination at nahaharap ang mga suspek sa kasong RA (Republic Act) 9165 o “Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.”

Ayon sa pahayag ni Silvio, “Sa pagkahuli ng mga suspek na ito gusto ko ipaabot sa mga kababayan natin na walang puwang dito sa buong Lalawigan ng Laguna ang mga drug pusher katulad nito.

Makakaasa po kayo na hindi namin ititigil ang aming mga operasyon kontra ilegal na droga at maging sa mga ibapang ilegal na gawain upang matiyak natin ang kaayusan, katahimikan at seguridad ng ating mga mamamayan.”

AUTHOR PROFILE