Tansingco

2 human trafficking victims nabuko sa mali-maling sagot

August 20, 2023 Jun I. Legaspi 212 views

NAILIGTAS ng mga tauhan ng Bureau of Immigration ang dalawang biktima ng human trafficking sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1 noong Agosto 17, 2023.

Ayon kay BI Commissioner Norman Tansingco, nakilala ang mga biktima sa mga alias na ‘Ria’ at ‘Ina.’

Nasagip ng mga tauhan ng Immigration Protection and Border Enforcement Section (I-PROBES) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1.

Ayon sa BI, sa unang inspection sinabi ng mga biktima na papunta silang Malaysia para mag-bakasyon. Subalit napansin ang pagkakaibaiba ng mga sagot ng mga ito kung kayat ini-refer ang mga ito sa 2nd inspection.

Sa pangalawang investigation, napaamin ng mga BI agents ang dalawa na sa Singapore sila pupunta para magtrabaho bilang entertainers na may P60,000 sweldo.

“This case led us to identifying several personalities involved in the trafficking of the two victims. At least five names have been mentioned, and we have forwarded this information to the IACAT for investigation.

We will be actively involved in pursuing this case to put an end to this trafficking ring,” sabi ni BI chief Norman Tansingco.

AUTHOR PROFILE