Default Thumbnail

2 ginang tiklo sa estafa

August 6, 2023 Jonjon Reyes 206 views

DALAWANG ginang ang inaresto sa loob ng Correctional Institution for Women dahil sa kasong estafa sa Mandaluyong Biyernes ng gabi.

Nakilala sa pangalang ‘Vilma,’ 55, ng Baesa, Caloocan at Diseree, 54, ng Washington, Makati City.

Sa ulat ni Police Lieutenant Colonel Gilbert C Cruz, Commander ng Manila Police District-Ermita Police Station 5, bandang 5:30 ng hapon nang magtungo sa Correctional Institution for Women ang kanyang mga tauhan sa pangunguna ni Police Major Edwin Fuggan, hepe ng Station Warrant and Subpoena Section, bitbit ang dalawang arrest warrant na inisyu ni Judge Caroline Rivera-Colasito at Judge Severino De Castro at inaresto ang dalawang ginang.

AUTHOR PROFILE