Default Thumbnail

2 dinampot dahil sa pandurukot sa U-belt

February 13, 2023 Jonjon Reyes 449 views

ARESTADO ang dalawang suspek sa pandurukot sa mga estudyante sa Sampaloc, Manila.

Humingi ng tulong ang isang 22-anyos na graduating student sa Manila Police District-University Belt Area (UBA) Police Community Precinct, makaraang limasin ng dalawang suspek ang laman ng backpack ng biktima sa Sampaloc, Manila.

Ayon kay Police Lieutenant Colonel Roberto Mupas, MPD- Barbosa Police Station 14 commander , pasado ala 1:10 p.m. habang bumibili ang dalaga ng siomai sa isang pushcart sa Padre Noval Street, sakop ng Barangay 397 ,nang dikitan ng dalawang suspek na sina Michael Lado, 22, at Jomarie Urpina, 23, na kapwa dayo sa lugar, na sinasabing residente ng Sta.Mesa, Manila.

Base sa kuha ng CCTV, si Lado ang kumuha ng wallet ng biktima sa backpack. Si Urpina ang nagsilbing lookout.

Natangay sa dalaga ang BDO ATM Card; Atome Master Card ; Maya Visa Card ; School ID (Senior High ID–Holy Nazarene, Tanza, Cavite); Vaccination Card; SM Advantage Card; Puregold Reward Card ; Dorm Access Card ; Time Zone Card; susi ng dormitoryo at cash na P2,834.

Namataan ang dalawa sa kahabaan ng P. Noval Street bandang 4 p.m.

Agad tinawagan ng mga kapulisan ng UBA PCP MPD Barbosa Police station ang biktima upang positibong kilalanin at sampahan ang mga suspek ng kaukulang kaso.

AUTHOR PROFILE