2 dedo sa pamamaril sa Quiapo

August 8, 2022 Jonjon Reyes 128 views

DALAWANG lalaki ang “dead on the spot” matapos mabaril at magtamo ng mga tama ng bala sa iba’t-ibang parte ng katawan, nang matagpuan ang mga ito sa kahabaan ng P. Gomez St., sa panulukan ng Carriedo St. sa Quiapo, Maynila.

Kinilala ang mga biktima na sina Jimmy Lingat, may asawa, vendor, nakatira sa Mataas na Lupa, Indang Cavite at si Marlon Tan, 42, may ka-live in, ng Gonzalo Puyat St., Quiapo.

Base sa inisyal na pagsisiyasat, isang nakasuot na green na helmet at green na jacket ang itinuturong gunman na lulan ng motorsiklo at mabilis na nakaeskapo.

Ayon kay P/Lt. Col. Jonathan Villamor, commander ng Manila Police District (MPD) Station 3, bandang 7:13 ng umaga nang bigla umanong sumulpot ang suspek at walang habas na pinagbabaril ang dalawang biktima.

Sa imbestigasyon ng pulisya, nag-aayos umano ang mga biktima sa stall upang magtinda ng maganap ang krimen.

Gayunman, patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng mga tauhan ni P/Lt. Adonis Aguila, chief ng MPD Homicide Section sa motibo ng pagpatay.

AUTHOR PROFILE