2 dayo mula Makati swak sa illigal na droga sa Malate
DALAWANG lalaki na dayo mula sa Makati ang natimbog sa ikinasang Anti- Illegal Drugs Operation ng mga operatiba ng Station Drug Enforecement Unit (SDEU) ng MPD – Malate Police Station 9 sa panulukan ng Arellano Avenue at A Roxas Street, Malate, Manila, Martes ng gabi.
Nakilala ang dalawang target sa operasyon na sina alyas Vicente,29, ng Pembo Street,Makati City at alyas Nobs, 29, kapwa binata,ng naturang lugar.
Base sa ulat ni Police Lieutenant Colonel Nelson Cortez, MPD Malate PS-9 commander, bandang 10:30 p.m. nang magkasa ang SDEU ng buy-bust operation makaraang ituga ng isang impormante ang ilegal na kalakaran ng shabu sa naturang lugar.
Isang P500 bill ang iniumang ng poseur buyer na nag-resulta sa pagkakatimbog sa mga suspek. Nasamsam sa mga ito ang limang selyadong plastic sachet na tumitimbang sa 53 gramong “bawal na gamot na aabot sa halagang P360,400.00 na may street value
Ayon pa kay PLt.Col Cortez, patuloy silang magsasagawa ng mga operasyon laban sa iligal na droga sa kanilang area of responsibility kasabat ng walang humpay na pagpapatrolya sa mga bawat barangay sa Malate Manila nang sa ganun ay maiwasan at mabawasan ang kriminalidad.
Ang dalawang suspek ay nahaharap sa kasong paglabag sa Article ll ng Republic Act 9165.