Default Thumbnail

2 ‘bogus’ PCG recruiters timbog sa Basilan

May 30, 2023 Zaida I. Delos Reyes 194 views

ARESTADO ang dalawang illegal recruiters sa entrapment operation na ikinasa ng pinagsanib na pwersa ng Philippine Coast Guard (PCG) at Philippine National Police (PNP) sa Isabela City Basilan.

Batay sa ulat ng PCG, ang mga suspek ay isang 32-anyos at 44-anyos na lalaki.

Ang dalawa ay nagpanggap na “recruiter” ng PCG at naaktuhang tumatanggap ng P91,000 mula sa nagpanggap na aplikante ng PCG.

Nakuha mula sa mga suspek ang patong-patong na PCG application folders, cellphone at sling bag na pinaglagyan ng marked money.

Dinala ang mga suspek sa Isabela City Police Station para sa paghahain ng karampatang kaso dahil sa paglabag sa Article 315 ng Revised Penal Code (Estafa).

Panawagan ng PCG sa mga aplikante, huwag magpaloko at agad na isumbong sa kinauukulan ang sinumang lalapit para asikasuhin ang kanilang aplikasyon kapalit ng pera.

Maaari umanong i-report ang reklamo sa Coast Guard Human Resource Management Command (0935-782-2386) o sa Coast Guard Intelligence Force (0926-628-4519) ang sinumang lalapit sa para asikasuhin ang kanilang aplikasyon kapalit ng pera para sa agarang aksyon.