2 bebot timbog sa droga sa Sta. Cruz

July 17, 2022 Jonjon Reyes 169 views

DAHIL sa isang impormante na diumano’y rampant ang bentahan ng droga, nagsagawa ng surveilance ang mga miyembro ng Manila Police District bago nagsagawa ng operasyon at natimbog ang dalawang babae pati ang tatlo umanong parukyano nito sa Maria Clara Street malapit sa A.H Lacson Street sa Barangay 343 sa Sta.Cruz, Manila, iniulat ng pulisya.

Nakilala ang target ng operation na sina Anna Lea Pacheco alyas “Neng”, 25, dalaga, ng Lacson Loyola, Brgy. 461 Sampaloc at Reggielyn Pacheco, 23, ng Lacson St., Brgy.461.

Timbog din sina Reggie Pacheco 44 ; June Anthony Taladua , 32, at si Kamarode Samal, 25.

Base sa ulat na isinumite ni PEMS Rommel Rey, team lider ng Station Anti – Illegal Drug Enforcement Unit, kay PLt. Col. Jonathan Villamor, MPD – Sta.Cruz Police Station 3 commander bandang 12: 15 ng madaling araw nang maispatan ang limang sa naturang lugar.

Inaresto ang mga suspek nina EMS Rey, kasama sina PCpl Rudolf Niño Fajardo, may hawak ng kaso ; PCpl. Jeffrey Castillo ; Pat.Ruzzel Manuel ; PCpl.Anthony Bernal ; PCpl.Jason Magpantay ; PCpl.Roger Soria ; PCpl.Rudbian Manlapas ; PCpl.Jerald Valencia ; PCpl.Richard Racca ; Pat.Allan Apostol at Pat.Alvin Olitres .

Nasamsam ang limang bulto ng hinihinalang shabu na nasa plastic sachet na tumitimbang ng 35 gramo at mag katumbas na halagang P238,000.

Nakumpiska rin sa mga suspek ang kalibre .38 baril na walang serial number at walong bala na nakalagay sa sling bag na kulay gray.

Bukod sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 Article ll o Dangerous Drug Act of 2002 nahaharap din ang isa sa suspeksa kasong illegal possession of firearms and ammunitions.

Pinuri ang arresting team at PLt.Col.Villamor ni MPD- Director, Police Brig. General Leo ” Paco” Francisco.

“Keep up the good work men, congratulations,” ani Francisco.

AUTHOR PROFILE