Dizon Si MPD Director P/Brig. Gen. Andre P.Dizon (ikalawa mula sa kanan) kasama sina P/Lt. Col. Ramon Nazario, commander ng Barbosa Stn. 14 (ikalawa mula sa kaliwa), at P/Col. Julius Anonuevo habang nagsasagawa ng patrolling at checkpoint operation sa Quiapo, Maynila. Kuha ni Jon-jon Reyes

2 bebot tiklo sa mahigit P4M shabu sa Quiapo

September 16, 2022 Jonjon Reyes 335 views

DALAWANG bebot na hinihinalang mga “tulak” ng droga ang inaresto ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Team (SDEU) ng Manila Police District (MPD) Barbosa Police Station 14, sa isinagawang buy-bust operation -kung saan narekober ang mahigit sa P4 milyong halaga ng shabu sa Quiapo, Maynila, Huwebes ng hapon.

Ang dalawang babaeng suspek ay parehong nahaharap sa kasong paglabag sa Section 5 at Section 11 at paglabag sa Section 11 – at paglabag rin sa Article ll ng Republic Act 9165 Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Base sa ulat na isinumite ni P/Lt. Col. Ramon Nazario, hepe ng MPD Stn. 14 kay P/Brig. Gen. Andre P. Dizon, MPD director, pasado alas 3:30 ng hapon nang isagawa ang buy-bust operation sa pamumuno ni P/Maj. Gil John Lobaton, hepe ng SDEU ng nasabing estasyon sa A. Bautista St., malapit sa panulukan ng R. Hidalgo St. sa Barangay 383 sa Quiapo.

Isang poseur buyer ang nagpangap na bibili ng droga at matapos magpositibo, dito na nagbigay ng “go signal” sa mga operatiba kaya’t mabilis na nagsulputan ang mga kapulisan na nakaantabay sa transaksyon at dito na pinosasan ang mga suspek.

Narekober ang 17 bulto ng shabu na nasa plastic sachet na tumitimbang sa 670 gramo at may street value na P4,556,000.

Ayon sa pulisya, bahagi ng kanilang operasyon ng “Simultaneous Anti-Criminality Law Enforcement Operation” (SACLEO).

Dahil dito, pinuri at pinasalamatan ni Dizon sina Nazario, Lobaton, at mga tauhan nito sa kanilang ginawang mabilis na aksyon kontra ilegal na droga.

AUTHOR PROFILE