BBM1

2 bagong batas nilagdaan ni PBBM

February 26, 2024 Chona Yu 283 views

MAGANDANG balita para sa mga senior citizens na nag-eedad 80 hanggang 95 anyos.

Ito ay dahil sa nilagdaan na ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang bagong batas na Republic Act No. 11982 o “Granting Benefits to Filipino Octogenarians and Nonagenarians”

Sa ilalim ng bagong batas, makatatanggap ng P10,000 ang mga senior citizens na nasa 80 anyos.

Panibagong P10,000 ang matatanggap kapag umabot sa 85, 90 hanggang 95 anyos.

“Under the new law, Filipinos, upon reaching the age of 80, shall receive a cash gift of 10 thousand pesos and every five years thereafter and upon reaching the age of 85, 90, and until 95,” pahayag ni Pangulong Marcos.

“We do, after all, stand on the shoulders of these giants,” dagdag ni Pangulong Marcos.

Sa kasalukuyang batas kasi, ang mga nag eedad ng 100 ay nakatatanggap ng P100,000.

Ayon kay Pangulong Marcos, hindi lang ang pinansyal na ayuda ang kailangan kundi maging ang mga imprasttaktura para sa mga may sampung milyong senior citizens sa bansa.

“But they deserve more than cash in an envelope. What they should get is a support infrastructure that every society owes to its greying population,” pahayag ni Pangulong Marcos.

Samantala, nilagdaan din ni Pangulong Marcos ang Republic Act 11981 o Tatak Pinoy Act na magpapalakas sa competence at talento ng mga genius at gifted na mga Filipino

Hindi kang aniya ito isang simpleng branding ng Tatak Pinoy na magandang serbisyo kundi tatak ng great workmanship.

Nilagdaan ni Pangulobg Marcos ang dalawang bagong batas kahapon sa Palasyo ng Malakanyang.

AUTHOR PROFILE