Posas

2 arestado sa droga; 1 namatay

February 25, 2024 Melnie Ragasa-limena 86 views

NAMATAY ang isa sa dalawang inaarestong drug suspect matapos atakihin sa puso sa gitna ng komosyon sa kanyang bahay sa Quezon City noong Sabado.

Sa report ng Criminal Investigation and Detection Unit ng Quezon City Police District (CIDU-QCPD), bandang alas-11:45 ng umaga nang mangyari ang insidente.

Batay sa imbestigasyon ni PSSg George A Caculba, bago ang insidente, nagsagawa ng buy-bust ang mga operatiba ng Special Operating Unit ng National Capital Region (NCR) at Philippine National Police (PNP)-Drug Enforcement Group sa pangunguna ni P/Captain Lord Vincent Cortez kasama si Pat John Carl Carpio Ralleta.

Nagresulta sa pagkakaaresto ng dalawang drug suspect ang buy bust pero habang nakaposas ang isa sa mga suspek nagkaroon ng commotion kung at biglang nawalan ng malay ang isa sa mga inaresto.

Namatay sa Rosario Maclang General Hospital ang biktima bandang alas-12:41 ng madaling araw noong Linggo.

Nadiskubreng nagtamo ng hematoma sa ibabang bahagi ng kaliwang mata ang namatay.