Default Thumbnail

2-anyos nasagasaan ng ama sa Quezon, dedo

April 18, 2023 Zaida I. Delos Reyes 281 views

PATAY ang isang 2-anyos na batang babae matapos na aksidenteng masagasaan ng sarili nitong ama nitong Linggo sa Mauban, Quezon.

Ayon sa ina ng biktima, naganap ang trahedya dakong 4 p.m. sa kalsada hindi kalayuan sa kanilang tahanan.

Minamaneho umano ng kanyang asawa ang delivery jeepney na (DJS-967) nang biglang tumakbo ang bata palapit sa kanyang ama.

Sa sobrang bilis ng pangyayari ay hindi na nagawa pang maipreno ng ama ang minamanehong sasakyan dahilan upang masagasaan ang bata.

Dead on the spot ang bata dahil sa tinamong head injury.

Ang insidente ay naiulat ng ina ng biktima sa pulisya nitong Lunes ng umaga.