MPVA

1st regular season ng MPVA, inilunsad ni dating Sen. Manny Pacquio

August 8, 2024 Edd Reyes 81 views

PINANGUNAHAN ni dating Senator Manny Pacquiao ang paglulunsad ng 1st regular season ng Maharlika Pilipinas Volleyball Association (MPVA) Miyerkules ng hapon sa Sheraton Hotel sa Pasay City.

Unang inilunsad ng eight-division world boxing champion ang inaugural season ng itinatag niyang MPVA noong Setyembre ng nagdaang taon na layuning maipagpatuloy ang pagtuklas sa talento sa larong volleyball ng mga kababaihan sa bawa’t sulok ng bansa na kaagad nilahukan ng 10-team mula sa iba’t-ibang panig ng Pilipinas.

Sa kanyang pahayag, sinabi ni Pacquiao na gaganapin ang unang laban ng siyam na kalahok na team sa Linggo sa Strike Gym sa Bacoor, Cavite para sa pagdedepensa ng Bacoor City Strikers sa kanilang nasungkit na kampeonato noong nakaraang taon.

Sa kanyang pambungad na pahayag, sinabi ng dating Senador na malaking karangalan at kasiyahan ang kanyang nararamdaman habang inilulunsad ang unang season ng MPVA.

“Ito ay hindi lang isang liga, ito ay isang plataporma na nagdadala ng pag-asa at pagkakataon sa mga talento sa grassroots volleyball sa buong Pilipinas, Ito po ang Maharlika Pilipinas Volleyball Association, ang liga para sa lahat,” sabi pa ni Pacquiao.

Binigyang diin pa ng Pambansang Kamao na ang pagkakaroon ng mas maraming koponan ay hindi lang pagpapataas ng kompetisyon kundi magbubukas din ito ng pintuan sa mga kabataang atleta na maipakita ang kanilang galing sa mas malaking entablado.

“We believe that every talented player deserved a chance to shine ang through the MPVA, we aim to provide that opportunity. As we kick-off this journey this August, let us come together to support and celebrate this amazing athletes who will represent the future of Philippine volleyball,” pahayag pa niya.

Sa panayam naman sa dating Sendor, sinabi niya na hindi lamang mga atleta sa larangan ng basketball, boxing, at volleyball ang ipinangako niyang susuportahan kundi ang iba pang uri ng palakasan. “Basta may Manny Pacquiao na nabubuhay pa rito sa mundo, nandito ako lagi at nakasuporta,” dagdag pa niya.

AUTHOR PROFILE