1stone

1st.One single, 2 million ang views

April 2, 2022 Ian F. Fariñas 201 views

PUMIRMA ng deal ang Warner Music Philippines, kasama ang 1st.One, ang six-member P-pop boy group na kinabibilangan nina Ace, Alpha, J, Jayson, Joker at Max, at ang Seoul-based talent management company na First-One Entertainment.

Ang partnership ay magpapakita ng trabaho ng Warner Music kasama ang banda, na ang mga awitin ay unti-unting sumisikat dito sa ’Pinas.

Ang 1st.One ang unang Pinoy group sa roster ng FirstOne Entertainment.

Ang iba pang talents nila ay ang River of Tears singer na si Na Yoon Kwon, rapper na si Kisum at ang dating F-ve Dolls member na si Heo Chanmi.

Unang ipinakita ng 1st.One ang marka nito sa mundo ng P-pop bago pa man ang kanilang opisyal na debut nu’ng 2020.

Lumahok sila sa 28th Philippine-Korea Cultural Exchange Festival, kung saan nagwagi silang first place sa dance category.

Sila rin ang grand winner sa Seoul Music Awards PH Dance to Your Seoul competition nu’ng 2019.

Nag-opening number din ang grupo sa Seoul Music Awards 2020 kasama ang Monsta X, NCT, Red Velvet, TWICE at iba pang K-pop artists.

Sila ang unang Pinoy artists na nakapag-perform sa pomosong Korean awards ceremony.

Matapos ang maikling pahinga, nagbalik ang grupo earlier this year via the catchy single, Shout Out, na nagbibigay-pugay sa mga Pilipinong sundalo na nakipaglaban kasama ang mga sundalong Koreano nu’ng Korean War.

Sa ngayon, halos dalawang milyon na ang views sa YouTube ng Shout Out music video.

Available na ang Shout Out sa lahat ng major DSPs.

AUTHOR PROFILE