193 kabataang may kapansanan nagtitipon sa GITC
NAGTATAGISAN ngayon ng galing ang 193 youth na may disabilities mula sa 15 bansa sa larangan ng information technology sa 2024 Global IT Challenge for Youth with Disabilities (GITC) sa Centennial Hotel.
Ang kompetisyon, na may temang “Tech for All, by All,” ang pandaigdigang kooperasyon at kolaborasyon sa larangan ng IT.
Sa opening ceremony noong Lunes, sinabi ni National Council on Disability (NCDA) Executive Director III Glenda D. Relova, na ang 2024 GITC ang magiging manifesto ng mga pinakamagaling sa IT Challenge for Youth with Disabilities.
Ang NCDA ang siyang pangunahing host ng naturang kumpetisyon.
Umaasa si Relova na magiging matagumpay ang 2024 GITC na nagsimula noong Nob. 3 at magtatapos sa Nob. 6 sa pamamagitan ng paggawad ng mga pagkilala sa mga mananalo.
Nanggaling mula sa Bangladesh, Cambodia, Egypt, Ethiopia, India, Indonesia, Kenya, Laos, Malaysia, Mongolia, Nepal, Republic of Korea, Thailand, Vietnam at Philippines ang 193 na kalahok.
Dumalo rin si Il-Young Lee, bise presidente ng RI (Rehabilitation International) Korea.
Malugod din namang sinalubong ni Atty. Emmeline A. Villar, Undersecretary Alternative Representative for NCDA, Department of Social Welfare and Development (DSWD), na siyang kinatawan ni DSWD Secretary Rex Gatchalian, ang mga kalahok.
Binigyang-diin ni Villar na ang GITC isang kakaibang platform para sa mga youth with disabilities para maipakita ang kanilang galing sa information technology, mapangalagaan ang pandaigdigang kooperasyon at pagpromote ng inclusivity.
Sinabi naman ni Joon Oh, director ng RI, nagsimula ang GITC sa Vietnam na kung saan hindi lamang ito kumpetisyon kundi isa rin itong venue para makilala at makita ang galing ng mga youth with disabilities sa Asia-Pacific.
Binigyang-diin pa ni Oh na binabago ng kumpetisyon ang buhay ng mga kalahok.
Samantala, binanggit pa ni Relova na natatanggap agad sa trabaho ang mga nananalo sa kumpetisyon dahil sa achievement nila mula dito.
Kabilang ang AI (Artificial Intelligence) app application at AI-generated information sa naturang kompetisyon.