19 preso, 19 pulis sa QC COVID-positive

August 14, 2021 Melnie Ragasa-limena 190 views

NAGPOSITIBO sa COVD-19 ang nasa 91 mga preso at 19 na pulis sa Fariview Police Station 5 ng Quezon City Police District (QCPD) matapos ang isinagawang RT PCR testing.

Kinumpirma ni Quezon City Epidemiology and Surveillance Unit (CESU) chief Dr. Rolly Cruz, na nitong Biyernes lamang nila nakuha ang resulta ng isinagawang RT PCR testing sa mga preso at pulis sa nasabing istasyon.

Isinagawa umano ang swab test noong Agosto 5 at 6 bilang bahagi na rin ng programa ng lokal na pamahalaan na isalang sa mga pagsusuri laban sa COVID-19 ang mga tanggapan ng gobyerno at mga istasyon ng pulisya.

Sinabi pa ni Cruz na agad nang nagsagawa ng isolation sa mga tinamaan ng virus at karamihan sa kanila ay asymptomatic o walang sintomas.

Magugunitang aabot sa 82 pulis ng Talipapa Police Station sa Quezon City ang nagpositibo rin sa COVID-19 at ang ilan sa kanila ay kabilang umano sa naka-standby na puwersa bilang seguridad sa State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte.