Default Thumbnail

19 pasaway drivers huli

August 5, 2023 People's Tonight 167 views

LABINGSIYAM na pasaway na mga drayber na pumasok sa EDSA bus carousel ang dinakip ng composite team ng I-ACT nitong Biyernes, ayon sa mga awtoridad.

Sinabi ng mga awtoridad na tinekitan ang mga pasaway na drayber na pumasok sa EDSA bus carousel.

Kabilang sa mga tinekitan ay mga private vehicles, provincial bus, motorcycle at taxi.

Ayon sa I-ACT, inisyuhan ng mga ticket o temporary operators permits ang mga pasaway na mga drayber.

Sinabi ng mga traffic enforcers na nilabag ng mga hinuling driver ang Republic Act No. 4136, o ang Land Transportation and Traffic Code, kaugnay sa disregarding the traffic sign.

Mariing nagpapaalala ang I-ACT na ang busway ay exclusibo lamang sa mga bus at marked emergency vehicles ng gobyerno.

AUTHOR PROFILE