Default Thumbnail

18 huli sa illegal na sugal sa Ecija

May 15, 2023 Steve A. Gosuico 427 views

CABANATUAN CITY – Tila patuloy pa din ang operasyon ng iligal na sugal sa Nueva Ecija sa kabila ng malawakang “crackdown” na inilunsad ng pulisya laban dito.

Ito ay matapos mahuli ang nasa 18 personalidad sa magkahiwalay na operasyon na isinagawa sa mga bayan ng Pantabangan, Talavera, General Tinio, Zaragosa, at Laur nitong katapusan ng linggo.

Sa Pantabangan, sinabi ni police head Major Roilan V. Gonzales na tatlong suspek ang nahuli habang naglalaro ng iligal na card game na “Pusoy” sa Barangay East Poblacion alas-3 ng hapon.

Nasamsam sa raid ang P1,350 na bet money at isang deck ng playing cards.

Sa Talavera, dinakip ng mga pulis ang tatlong babae na pawang naglalaro ng “tong-its” sa Bgy. Bantug Hacienda alas-8 ng gabi, ani police chief Major Domingo Resma Jr.

Sinabi ni Resma na nakumpiska rin ng kanyang mga tauhan ang humigit-kumulang P1,470 na bet money, kabilang ang playing cards na ginamit ng mga suspek.

Sa ikatlong operasyon na isinagawa sa General Tinio, sinabi ni police head Major Lawrence D. Lira na inaresto ng kanyang mga tauhan ang tatlong babaeng naglalaro ng “tong-its” sa Sitio Saudi, Bgy. Pias bandang 4:10 p.m.

Nasamsam sa operasyon ang P830 na bet money at deck ng playing cards.

Sa Zaragosa, limang personalidad na pawang residente ng Benites Subdivision, Bgy. Concepcion West, ang arestado habang naglalaro ng “pusoy” alas-3:30 ng hapon.

Narekober ang bet money na nagkakahalaga ng P1,715 at isang deck ng playing cards.

Sa Laur, sinalakay ng mga pulis ang isang iligal na pasugalan sa Sitio Bayog, Bgy. San Isidro dakong 4:30 p.m. at nahuli ang apat na indibidwal na nahuling naglalaro ng “pusoy.”

Nasa P1,450 na bet money at isang deck ng playing cards ang nasabat ng mga pulis sa operasyon.

AUTHOR PROFILE