Default Thumbnail

18-anyos na kelot natagpuang nakabigti

August 2, 2024 Edd Reyes 114 views

NATAGPUANG nakabigti noong Miyerkules ang 18-anyos na lalaking estudyante sa Taguig City.

Base sa report, alas-8:45 ng gabi nang bumulaga sa 17-anyos na estudyante ang nakabitin sa extension wire na katawan ng kanyang kuya na si alyas Rom sa loob ng silid ng kanilang tirahan sa Holy Family Subdivision, Brgy. Bagumbayan.

Nagresponde ang mga tauhan ng Taguig Police Sub-Station 10 kasama sina P/SSg Laurice Dulnuan at P/SSg Cris Werlou Leaño na nagsagawa ng pagsisiyasat sa insidente.

Pinasisiyasat ni Taguig police chief P/Col. Christopher Olazo ang insidente upang matiyak kung nagpatiwakal ang biktima at kung walang foul play sa pagkamatay.

AUTHOR PROFILE