Default Thumbnail

170K pamilya apektado ng mga pagbaha sa VisMin

January 5, 2023 Zaida I. Delos Reyes 188 views

UMAKYAT na sa 170,790 pamilya ang naitalang apektado ng walang tigil na pagbuhos ng ulan at pagbaha bunga ng shear line simula noong Pasko sa Visayas at Mindanao.

Ito ang iniulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) nitong Huwebes ng umaga.

Katumbas ito ng 681,493 katao mula sa 1,132 barangays sa Mimaropa, Bicol, Western Visayas, Central Visayas, Eastern Visayas, Zamboanga Peninsula, Northern Mindanao, Caraga, Davao Region at Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).

Ayon sa ulat, nasa 6,653 pamilya o 23,536 katao ang patuloy na nanunuluyan sa 163 itinalagang evacuation centers.

Umaabot naman sa 5,152 ang mga bahay na napinsala, 4242 sa mga ito ang idineklarang partially damaged habang 910 ang totally damaged.

Nanatili naman sa 52 ang bilang ng mga nasasawi kung saan 13 ang kumpirmado.

Ang mga nasugatan ay nanatili sa 16, dalawa ang validated at 18 ang patuloy na nawawala.